๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ

#๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ

Oh ano itong aking nasisilayan?
Mga mata'y 'di mapigil, nais pagmasdan.
Sa malapitan ay mas lalong nangingibabaw,
Ang saradong isip, sa tuwina'y napukaw.

Sa unang tingin lamang ay aking napagtanto,
Ikaw na nga giliw ang yaring bubuo.
Ang puwang sa pusong nilipasan ng panahon,
Binago mo na't napupunan ngayon.

Ligaya, kasiyahan, maging kagalakan,
Ang tanging dumadalaw sa 'king mumunting isipan.
Kung kaya't dito mismo sa aking tula,
Bibitawa't isasambit natatanging mga kataga.

"Irog ko, lakas loob ko nang aaminin,
Na ang aking puso'y bihag mo na't alipin.
Hindi ko na nanaising makalaya pa,
'Pagkat tunay ang pag-big ko sa 'yo sinta."

"Kaya kay palad kong ika'y nakilala,
Crisostomo Ibarra ng aking nobela.
Pangakong sa yaring mga kabanata,
Tanging pagmamahalan natin ang magiging paksa."

"Kahit subukin ng tadhana't pagkakataon,
Paiiralin ang pusong tapat nang walang pasubali.
At kahit saang panig man ako maparoon,
Walang pagtatanggi, ikaw lamang ang tinatangi."

๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ฃ๐˜บ ๐˜“๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜‰๐˜ขรฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข (๐˜Š๐˜‰๐˜š๐˜œ๐˜ˆ- ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช)
AngSALINSINAG

----Submit Literary Articles Here:
https://sites.google.com/view/dawaniscg/salinsinag/submit-literary

Leave a comment